Holdap

Naholdap ka na ba?

Nanakawan ng celphone, nalaslasan ng bag, nakuhaan ng wallet, natutukan ng balisong sa tagiliran?

Combo ng kamalasan?

Nakakapanlumo.

Lalo na kapag pinaghirapan mo, pinagipunan at dugo’t pawis ang puhunan.

Ngayong kapaskuhan maging maingat.

Holdap

Huwag maging biktima. Unahan mo na sila. (Photo credit to the owner.)

Here is my A Dose of Ramedy today:

Be confidently alert with a heart.

Kailangan ng kumpyansa, mas gustong biktimahin ng mga mandurukot ang mga taong parang nawawala, nalilito, tanga-tanga o wala sa sarili. Kung nawawala ka. Iwasang tumayo sa lugar at titingin sa kawalan. Sa halip ay pumasok sa loob ng convenient store at magtanong.

Touch move.

Dapat dikit na dikit sa katawan mo ang mahahalagang kagamitan at damahin mo itong mabuti. Ang mga backpack ay mas madaling maging biktima ng mga mandurukot. Ilagay sa harap ang gamit.

Gusto mong gumanti? Maglagay ng walang lamang wallet sa back pocket para madismaya ang mandurukot.

Don’t use your mobile phones in public places. Find a secured area.

Kapag nasa pampasaherong jeep o bus ay tigilan mo muna ang pag-te-text o pagsagot ng tawag. Ang ilan pa sa atin, kapag bago ang cellphone ay inilalabas pa ito para bang ipinagyayabang na nakabili siya ng bagong cellphone. Walang madudulot na maganda sa iyo ang yabang, kaya kung ako sa’yo, isiksik mo na lang maigi sa secret pocket ng iyong bag ang cellphone mo o iba pang gadget mo bago pa ito madukot sa iyo.

Your life is precious.

Handa ka bang manlaban? Dapat mo bang patulan ang holdaper? Mas mahalaga ang buhay mo, yun na! Mapapalitan ang bagay, pero ikaw hindi.

These are just a few tips, maging alerto at alisto palagi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s