Payak

Nagbirthday ka na ba ng g na g? Or gipit na gipit?

Di pa dumating ang sweldo at petsa de peligro pa!

Tapos mag-isa ka pa, di mo kasama pamilya mo.

Di ka makain ng paborito mong pansit na may halong hipon at malutong na chicharon on the side.

Sasabayan mo pa ng malamig at nagyeyelo na paborito mong softdrinks.

Tapos may pritong manok na kasing sarap ng Jabee chicken joy na pwede mong isabaw ang gravy sa ibabaw ng mainit na kanin.

Biglang pasok ng paborito mong mocha caramel cake na may kandila sa ibabaw para iblow.

Iyong patunaw na paborito mong ice cream na pinaghalong vanilla at chocolate na nakakapanglaway.

May pasurprise pa na balloons at gayak sa venue na makulay.

Ang main centerpiece ng handa ang kumikinang na lechon de leche na may pinakamalutong na balat sabay sawsaw sa masarap na sauce.

Ang sarap magdiwang ng birthday!

Pfft! Nahopia ka na naman, panaginip lang ang lahat. Parang siopao asado imagination party na pero kailangang back to reality.

Masarap mangarap at isipin ang magandang bagay, ito ang nagbibigay ng pag-asa.

Pano kaya ang unang birthday ni Jesus, magarbo kaya? May pansit kaya? May lobo? May cake?

Nagsimula ng ikabit ang belen bilang dekorasyon sa mga bahay at lagi akong namamangha kung gaano kasimple ang panganganak ni Jesus.

Ang payak na buhay, walang kumplikasyon.

Payak

Happy birthday? Simple lang. (Photo credit to the owner.)

Here is my A Dose of Ramedy today:

Don’t complicate things. Simplify.

Parang madali noh! Pero mahirap.

Pero kailangan mong gawin.

“Free yourself from the complexities and drama of your life. Simplify. Look within. Within ourselves we all have the gifts and talents we need to fulfill the purpose we’ve been blessed with.”Steve Maraboli, Life, the Truth, and Being Free

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s