Talino

Bright ka ba? Madiskarte?

Mataas ang IQ?

Honor student?

Sakto lang?

Tamang kopya?

Di palabasa ng libro pero pasado sa exam?

Procrastinator? Last minute aral like a day before the exam? Bahala na si batman, ganern!

Or ikaw iyong kopyahan sa klase?

Studious?

Running for honor or dean’s lister?

Tahimik lang pero makamandag?

Ayaw mo iyong pagrecite sa class? Pasado sa written exam sapat na?

Ikaw ba iyong pabibo? Palataas ng kamay? Recite pa more na parang wala ng bukas! Pero lagapak sa written exam? Mataas pa rin ang grades kasi tumatak ka kay teacher!

Or ikaw ang after class teacher pet magnet? Batiin si prof, pafriendship pa more, simpleng abot ng biscuit, yayain sa canteen at chicka pa more!

Anumang klase ka ng estudyante, ang tunay na buhay ay nasa labas ng silid-aralan.

Sabi ng kaibigan kong guro, 20% lang ng pinagaaralan mo ang naa-apply sa tunay na buhay, 80% ay kung paano ka makisama sa kapwa at paano mo harapin ang mga hamon mo sa buhay habang nag-aaral.

Di lahat ng mahusay sa klase ay successful sa buhay at di lahat ng successful sa buhay ay magaling sa klase. Iyong iba pinanganak na madiskarte at di sumuko kahit na maraming concerns (kulang sa pera na pangtuition, mahirap lang kami excuses, etc).

Sabi nga ng isang classmate ko ng college, iyong mga pinapakopya ko dati, mas mayaman pa sa akin ngayon.

Diskarte

Talino o diskarte? Pumili ng tama. (Photo credit to the owner.)

Here is my A Dose of Ramedy today:

Study well not to impress others. Sarili mo lang kalaban mo. Investment mo yan! Huwag mong sayangin! No one knows what lies ahead but you can control what you have now. Remain zealous. Be more passionate.

There is a bigger world outside the four corners of your classroom. Be active also on socio-civic activities, magjoin ka ng mga org or magserve sa parish or sa chapel ng university. Malaki ang mundo huwag mong paliitin para marami kang matutunan.

If you have resources for a better university. Go for it.

Develop relationship with your peers. Classmate mo ngayon, pwede mong maging boss in the future or katrabaho. Take it from our dear president!

Huwag epal masyado.

Offer a helping hand, wag puro pakabig besh, magbigay ka rin!

Huwag maging madamot sa sagot!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s