Palo

Napalo ka ba ng tatay at nanay mo?

Ako, madalas.

Pinaluhod pa. Taas-kamay at iwagayway.

Nalatayan ng sinturon.

Buti na lang di pa uso ang Bantay Bata 163 noon.

Iyak lang o atungal ang tugon ko.

Mala-Silka papaya kasi kutis ko noong bata pa ako. Ayaw mapa-arawan kasi isasali sa That’s Entertainment!

Dahil bata, matigas ang ulo.

Mahilig akong maglaro sa labas ng bahay. Batang kalye, in short.

Batang mapangarapin, in long.

Ang hirap makipagsabayan sa mga kapitbahay mong may Atari at Mario Bros Nintendo.

Goma, chato, sipa, tansan at marami pang laruan na di na alam ng mga bata ngayon ang kaulayaw ko.

Madalas ang pikunan sa mga kalaro at tuksuhan.

Ako ‘Taba’ ang tawag sa akin. Malaking bulas kasi sa edad ko. Epekto siguro ng gatas na Liberty na de lata na ginagamit namin sa tumbang preso.

Masakit mapalo ng sundalong tatay. Walang energy gap sa hampas.

Di ko alam kung Lipovitan ang nainom ni Papa kasi parang Cobra energy drink ang sipa.

Di ko naman dinamdam kasi manhid na ang katawan ko pero kahit werpa ang palo, marami akong natutunan.

Palo

Pamalo kit 101. Anong lumagapak sa iyo? (Photo credit to the owner.)

Here is my A Dose of Ramedy today:

Walang namamatay sa iyak. Huwag kang matakot na umiyak kung paluin ka ng maraming challenges o hampas ng buhay. Iiyak mo lang at matuto, then move on.

Ito siguro ang dahilan kaya naging matapang ako na harapin ang healing journey ko.

Sa dami ng palo, patuloy na lumalaban.

Di nawawalan ng pag-asa.

Patuloy na humahakbang at umuusad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s