Bituin

Bakit nga ba may bakit?

Itanong natin sa mga bituin.

Bakit may sagot sa mga tanong at may tanong na walang kasagutan?

Bakit nagliliwanag ang araw sa umaga di ba sila pwede magpalit ng buwan?

Bakit may taong pumapatay para mabuhay at meron namang buhay na parang patay?

Bakit may pampaalsa ang pandesal?

Bakit may asukal sa kape?

Bakit may asin sa ulam?

Bakit may gamot para sa sakit?

Bakit may sakit na walang gamot?

Bakit may gamot na nagdudulot ng sakit?

Bakit kailangan ng hangin para huminga?

Bakit may lungkot kung puwede namang puro saya?

Bakit may luha kapag nalulungkot?

Bakit kailangang banlawan ang sabon sa katawan?

Bakit may dahilan kahit di na dapat ipaglaban?

Bakit nagmamahal kung lagi ka namang sinasaktan?

Lahat ay may malalim na dahilan.

Bituin

Bakit? Bituin na may liwanag sabihin sa akin.

Here is my A Dose of Ramedy today:

Know your biggest why. Alamin ang malalim na dahilan kung bakit ka gumigising araw-araw. Bakit ka gumagalaw? Bakit ka may pinaglalaban?

Bakit ka pa nagpapatuloy sa buhay?

Ang bituin ay nagliliwanag dahil may dahilan.

Ikaw?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s