Buntot

Pinaasa ka na ba?

Parang ulam sa kawali na katulad ng nasa larawan (photo credit to the owner) pero nalinlang ka kasi buntot lang pala ng isda?

Parang nakabihis ka na dahil aalis kayo pero di matutuloy?

Parang regalo na nakabalot, pagbukas mo walang laman?

Parang sahod na di dumating sa tamang oras?

Parang exam na pinagreviewhan mo pero ni isa walang lumabas sa actual test?

Parang pag-ibig na akala mo kayo na pero di pala?

Parang palabas sa sine na maganda ang trailer pero nganga dahil walang kwenta?

Parang pila sa UV express van akala mo ikaw na susunod yun pala puno na?

Parang mahabang pila sa ATM pagdating mo sa makina offline?

Parang importanteng tawag na nagkakasarapan kayo sa usap pero biglang naubos ang load mo? Ang malala pa, nalowbat ka?

Parang beauty contest alam mo na sa iyo na ang title pero boom first runner-up lang pala?

Parang signal ng internet sa kalagitnaan ng Ever Wing at Mobile Legend biglang naghang?

Parang masarap na pagkain sa picture sa actual maalat pala?

Parang kaibigan mo na bibisita sa iyo, naghanda ka dahil umuo pero di pumunta?

Parang matamis na mangga sa unang tingin pero pagtikim sobrang asim?

Parang mall na pumasok ka sa loob trip mo magpalamig yun pala sobrang init sa loob dahil cost-cutting?

Parang pagsakay mo sa jeep, alam mong kasya ka pa pero walang umusog, ginitgit mo na ang puwet mo at pinilit pero manhid talaga?

Parang masarap na pandesal sa umaga, pagkagat mo puro hangin pala?

Parang paborito mong burger sa kanto, sa unang kagat tinapay, pangalawang kagat tinapay pa rin at sa ikatlong kagat may ketchup?

Parang paborito mong pantalon na lagi mong sinusuot na alam mo kasya pa pero pinilit mo kahit medyo tumaba ka ayun nasira?

Parang wallet mo sa petsa de piligro alam mo meron pang pera pero ni barya nakipagtaguan na?

Ilang beses kang pinaasa? Nahopia? Nasiopao asado?

Masakit.

Gusto mong magalit.

Mahigh-blood.

Ma-stress.

Sa kabila ng lahat, huminga ka na lang.

Di nawala ang pag-asa.

Buntot

Umasa ka ba na may ulam? Akala mo meron, pero wala, wala, wala.

Here is my A Dose of Ramedy today:

Don’t lose hope. There are times you want to surrender but you need to push through. There is always a silver lining in the horizon (Ang sakit sa bangs intindihin di ba?). Don’t give up.

Alam mo na ang pakiramdam ng pinaasa, huwag mo ng gawin sa iba.

Ngumiti at inuman mo ng Sprite ang buhay. Magpakatotoo ka!

Your truth will guide you.

Parang buntot hila mo kahit saan ka magpunta.

Have a blessed day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s